Home NATIONWIDE Mga sesyon ng sanggunian dapat sa loob ng nasasakupan – DILG

Mga sesyon ng sanggunian dapat sa loob ng nasasakupan – DILG

104
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na dapat isagawa ang mga sesyon ng sanggunian sa loob ng kanilang nasasakupan, dahil maaaring kuwestiyunin sa korte ang mga sesyong ginanap sa labas nito.

Ayon sa DILG, ang pagsasagawa ng sesyon sa labas ng hurisdiksyon ay maaaring maglimita sa partisipasyon ng publiko at access sa mga desisyong may epekto sa mamamayan.

“Sessions held beyond an LGU’s jurisdiction may be questioned before the proper courts and could expose responsible officials to appropriate administrative liability,” ayon sa ahensya.

Gayunman, pinapayagan ang exceptions sa mga hindi inaasahang sitwasyon tulad ng kalamidad, emergency, o banta sa seguridad, basta’t accessible pa rin sa publiko at mga miyembro ang alternatibong venue.

Dagdag ng DILG, dapat maayos na maitala at madokumento ang mga proceedings sa official minutes.

Nilinaw din ng ahensya na dapat isama sa quorum ang vice governor at vice mayor bilang presiding officers ng sanggunian, gayundin ang punong barangay sa Sangguniang Barangay.

Layunin ng mga patakarang ito na palakasin ang transparency, pagsunod sa batas, at karapatan ng publiko na masubaybayan ang mga lokal na proseso ng pamahalaan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here