Home NATIONWIDE Mga suspek sa paglalako ng mga anak online sa Tarlac, sising-sisi

Mga suspek sa paglalako ng mga anak online sa Tarlac, sising-sisi

293
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pagsisisi ang mga suspek na umano’y naglako online ng 10 menor de edad sa Concepcion, Tarlac.

“Sobrang laki po ng pagsisis namin. Pinagsisihan po namin to. Hindi na ito mauulit,” ayon sa isa sa mga suspek sa panayam ng GMA News.

Ang mga menor de edad ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development.

Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang magkapatid na umano’y sangkot sa online child sex exploitation ng kanilang mga anak.

Ang pinakabata sa mga biktima ay tatlong buwang gulang.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, ginagamit ng mga suspek ang dark web para magkaroon ng contact sa kanilang mga kliyente sa ibang bansa.

Sinabi naman ni Atty. Jay-R Perez, ahente ng kaso, kinukuhanan ng video ng mga suspek ang mga biktima, at may mga panahon din na sila mismo ang nagtuturo ng sexual acts sa mga menor de edad.

Ani Santiago, nag-ugat ang kaso sa pagkakaaresto sa isang Swedish national at umano’y child-sexual offender noong Abril.

Sa impormasyon ng NBI, kumikita ng P200 hanggang P4,000 kada video ang mga suspek depende sa ginagawa ng mga biktima.

Mas kumikita ng malaki ang suspek kapag ito ay live show.

Dagdag ng NBI, ang mga suspek ay sangkot na sa online child sex exploitation case mula pa noong nakaraang taon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here