Home NATIONWIDE Mga tao sa likod ng pag-unlad ng PH tourism, kinilala ng DOT

Mga tao sa likod ng pag-unlad ng PH tourism, kinilala ng DOT

276
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kauna-unahang Philippine Tourism Awards sa bansa ang Department of Tourism (DOT) para bigyang pagkilala ang mga pribado at pampublikong sektor na institusyon at indibidwal na nasa likod ng pagpapaunlad ng turismo sa bansa.

Pinangunahan ito ni DOT Secretary Christina Fransco para bigyang parangal ang mga tinaguriang tourism pillars ng bansa.

Layon din ng aktibidad na bigyang pagkilala ang ilang indibidwal na malaki anag naiambag sa sektor ng turismo sa Pilipinas.

Pinili ang mga nanalo mula sa 102 finalists sa 353 na mga aplikante.

Kasama sa mga kategorya ang Mga Hotel, Resort, Tourist Transport Operator, Tour Operator, MICE venue, Community Tour Guides, Tourism Journalist at iba pa.

Iginawad naman ang Special Industry Excellence Awards sa Cebu Pacific Air at Megaworld Hotels & Resorts.

Pinuri ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang mga awardees sa kanilang dedikasyon sa kahusayan.

Ayon sa DOT, kada dalawang taon idadaos ang Philippine Tourism Awards ng DOT. Jocelyn Tabangcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here