Home NATIONWIDE Mga taong nasa likod ng ‘transition council’ nais patalsikin si PBBM para...

Mga taong nasa likod ng ‘transition council’ nais patalsikin si PBBM para sa kanilang pansariling interes

280
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ng Malakanyang na ang mga taong nasa likod ng “transition council” ay mayroong iisang layunin at ito ay ang patalsikin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa puwesto para sa kanilang “own vested interests.”

Ito ang naging pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng rebelason ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na binasura ng huli ang suhestiyon na civil-military junta na sinasabing para i-reset ang gobyerno sa gitna ng galit ng taumbayan sa maanomalyang flood control projects.

Tinanggap naman ng Malakanyang ang posisyon ni Lacson sa usapin, binigyang diin na ang pagtatanggka na baguhin ang liderato sa pamamagitan ng ‘military-backed reset’ ay ‘unconstitutional.’

“We welcome Sen. Lacson’s straightforward and unambiguous reaction on that issue, given that the move to change the leadership through a military-backed reset violates our constitution,” ang sinabi ni Castro.

“The people behind this so-called ‘transition council’ have only one goal— to remove President Marcos Jr. not for the country, not for the Filipinos, but for their own vested interests,” diing pahayag ni Castro.

Nauna rito, inilahad ni Lacson na inalok umano siya ng ilang retiradong opisyal ng militar na maging bahagi ng isang “civil-military junta.”

Sa isang panayam, sinabi ni Lacson na hindi niya pinansin ang mga alok at hindi kailanman pinatulan ang ideya.

Ayon sa senador, lumilitaw ang ganitong panukala dahil sa galit ng publiko sa malawakang korapsyon, kabilang na ang maanumalyang flood control projects ng pamahalaan.

Gayunpaman, binigyang-diin niya na labag sa Konstitusyon ang anumang junta, “transition council,” o military “reset.” Aniya, sa kanyang tugon sa mga nagtutulak nito: “Dream on.”

Nanawagan din si Lacson na ipagpatuloy ang pagbatikos sa katiwalian, ngunit huwag isakripisyo ang 1987 Constitution.

Dagdag pa niya, “I hope such a military-backed intervention would not happen because nothing good can come of it.”

Ipinaliwanag pa ng senador na malinaw sa Konstitusyon ang line of succession, na nagtatapos sa House Speaker, dahilan kaya isinulong niya ang Designated Survivor Bill upang palawakin ang succession at masiguro ang continuity of government sa oras ng malawakang krisis.

Binanggit din ni Lacson na tutol ang Catholic Church sa anumang marahas o extra-legal na paraan ng pagpapalit ng pamahalaan. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here