MANILA, Philippines- Isang linggo bago ang Pasko at 13 araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon ay nagsagawa na ng mas maagang inspection ang Philippine National Police sa mga tindahan ng paputok at fireworks o pailaw sa Turo, Bocaue, Bulacan.
Pinangunahan ni PNP chief PGEN Rommel Francisco Marbil, Police Regional Office 3 Dir. PGBEN Red Maranan ang inspeksyon kabilang na ang iba pang matataas na opisyal ng PNP, BFP, DTI at maging ng mga gumagawa at nagtitinda ng nga firecrackers at fireworks sa itinuturing na fireworks capital ng Pilipinas. Val Leonardo