Home ENTERTAINMENT Rita, nagsumite ng sagot sa counter affidavit ni Archie!

Rita, nagsumite ng sagot sa counter affidavit ni Archie!

Manila, Philippines – Nagsumite na ng kanyang reply affidavit si Rita Daniella kaugnay ng kasong isinampa niya laban kay Archie Alemania.

Ito’y may kaugnayan sa reklamong acts of lasciviousness laban sa aktor at co-star sa GMA teleserye na Widows’ War.

Nagtungo si Rita sa Hall of Justice sa Bacoor, Cavite nitong December 17, Martes.

Naglalaman ang dokumento ng sagot ni Rita partikular na ang affirmation sa ilang mga detalyeng una niyang ipinahayag.

Wala ang legal counsel ni Rita doon na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, pero present naman ang kumatawan sa kampo ng aktres.

Matatandaang Decembef 10 nang matanggap ni Garduque ang kopya ng counter affidavit ni Archie.

Hindi na raw kallangang itakda ang clarificatory hearing.

Sa bersyon ni Archie ay parang inamin na raw nito ang kine-claim ni Rita.

Tulad na lang daw ng paggamit ng mga salitang “fuc…ble” at “tirahin mo na ‘yan!”

Kabilang din ang pag-amin ni Archie sa ginawang panghihipo kay Rita which he described as wacky.

Umayon din ang claim ni Rita na galit siya nang bumaba sa sasakyan ni Archie.

Nagprisinta kasi ang aktor na ihatid si Rita sa tahanan nito sa Bacoor sa halip na mag-Grab taxi.

Kapwa galing sila sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa cast at crew ng Widows’ War.

Samantala, ang inakalang “pinatay” na karakter ni Rita sa WW ay nagbalik na.

Si Archie tuluyang iniligwak sa serye.

Umaasa ang kampo ni Rita na makakamit nito ang hustisya. Ronnie Carrasco III