Home HOME BANNER STORY Mga tindahan ng paputok sa Bocaue, ininspeksyon na ng BFP

Mga tindahan ng paputok sa Bocaue, ininspeksyon na ng BFP

MANILA, Philippines – Ininspeksyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Sabado, Disyembre 28 ang mga tindahan na nagbebenta ng paputok sa Bocaue, Bulacan ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa panayam, sinabi ni BFP officer-in-charge Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez na ang inspeksyon ay isinagawa upang masigurong nasusunod ang safety protocols.

Namahagi rin ang BFP ng mga flyer na naglalaman ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga illegal na paputok.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na paputok ay ang mga sumusunod:

Binladen
Atomic
Kabase
Kwiton Bomb
Coke in Can
Goodbye Chismosa
Goodbye Philippines
Pla-pla
Piccolo
Tuna

Hanggang nitong Disyembre 28, naitala na ang kabuuang 125 fireworks-related injuries.

Isang indibidwal din ang namatay dahil sa Sinturon ni Hudas. RNT/JGC