Home NATIONWIDE Fil-Am arestado sa pagpatay sa mga kapamilya

Fil-Am arestado sa pagpatay sa mga kapamilya

UNITED STATES – Arestado ang 23-anyos na Filipino American na may kaugnayan sa pananaksak-patay sa tatlo nitong kaanak sa Baldwin Park, California.

Kinilala ng Los Angeles County Medical Examiner ang mga biktima na sina Mia Chantelle Narvaez, Paul Sebastian Manangan at Rona Nate.

Ayon sa mga kapitbahay, ang mga biktima ay mula sa Pilipinas.

Nagtamo ang mga biktima ng kabi-kabilang saksak sa katawan na ikinamatay on the spot ng mga ito araw ng Huwebes, o isang araw matapos ang Pasko.

“I heard the little girl screaming coming out and crying for help, saying, ‘Someone call 911. My brother stabbed my mom in the back, I saw blood,’” pagbabahagi ng kapitbahay ng biktima sa panayam ng ABC7.

Rumesponde ang Baldwin Park Police Department bandang 6:48 ng gabi ng Huwebes sa 4700 block ng Bogart Avenue, sa pagitan ng Maine at Phelan avenues, kung saan nila naabutan ang mga biktima na wala nang buhay. RNT/JGC