MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng Negros Occidental Police Provincial Office ang pagkamatay ng isang pulis sa bahay ng kapatid nito sa Isabela, Negros Occidental nitong Disyembre 27.
Ayon kay Police Capt. Judesses Catalogo, Negros Occidental police spokesperson, ang biktima na may ranggong staff sergeant ay natagpuang may tama ng bala ng baril sa likod ng kanyang ulo.
Kadadalo lamang ng biktima sa isang conference at walang indikasyon na may problema ito.
Dahil dito ay ipinag-utos ni Police Col. Rainerio de Chavez, Negros Occidental police director, ang pag-iimbestiga ng Provincial Investigation and Detection Management Unit sa insidente.
Wala ring narinig na putok ng baril at isasailalim sa paraffin test ang biktima upang matukoy kung ang ginamit ba nito ay ang kanyang 9mm service firearm.
“For now, we cannot conclude anything yet, while the investigation is ongoing,” dagdag pa. RNT/JGC