Home METRO Mga traysikel sa QC na walang plaka, ituturing nang kolorum mula Hulyo...

Mga traysikel sa QC na walang plaka, ituturing nang kolorum mula Hulyo 1

Palawan, Philippines - September 26, 2018: Empty tricycle motorbike taxi on city street. Motor tricycle are the both cheap common means transportation and symbol of Philippine culture

MANILA, Philippines – Hindi na papayagang makabiyahe ang mga tricycle sa Quezon City na walang plaka simula Hulyo 1.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang mga bibiyahe na walang license plates ay ikokonsidera nang illegal o kolrum.

Ani LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, lahat ng mga tricycle sa Quezon City ay nabigyan na ng plaka.

“With all the license plates already distributed to all tricycles being used in public transport in Quezon City, your LTO will presume that tricycles with no license plates but are being used in transporting passengers in Quezon City are colorum, or operating illegally,” saad sa pahayag ng LTO nitong Sabado, Hunyo 15.

Ani Mendoza, ang “no plate, no travel” policy ay unang ipatutupad sa mga tricycle sa Quezon City mula Hulyo 1 at kalaunan ay ipatutupad sa buong bansa. Isasama rin dito ang four-wheel vehicles.

Umapela naman ang opisyal sa mga nagbibenta ng sasakyan na mamahagi na ng license plates sa mga four wheel vehicle dahil wala nang backlog sa mga ito.

“We also extend the same appeal to the motor vehicle owners. Dapat ay kunin na nila ang kanilang mga plaka at ikabit na agad ito sa kanilang mga sasakyan,” dagdag pa niya. RNT/JGC