MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na mabibigyan ng karampatang tulong ang pamilya ng mga tripulante ng MV Devon Bay.
Ayon kay DMW Asec Jerome Bancolina, kabilang dito ang tulong pinansiyal na ipagkakaloob din ng OWWA.
Bukod dito, magkakaroon din ng psychosocial at medical assistance para sa mga tripulante at pamilya ng lahat na crew ng cargo vessel.
Siniguro din ng DMW na hindi lamang ang gobyerno ang magbibigay ng suporta kundi maging ang kumpanya ng mga seafarers ng lumubog na barko.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang search and rescue operations para sa apat pang crew ng MV Devon Bay kabilang ang kapitan nito.
Kabuuang 21 Filipino seafarer ang sakay ng barko kung saan 17 ang natagpuan kabilang ang dalawang nasawi.
Ang MV Devon Bay ay isang Singaporean-flagged general cargo. Jocelyn Tabangcura-Domenden