Home METRO Mga tulay sa bansa iimbestigahan ng Senado, matapos gumuho ng Piggatan Bridge

Mga tulay sa bansa iimbestigahan ng Senado, matapos gumuho ng Piggatan Bridge

294
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada sa Senado na magsagawa ng komprehensibong pagtatanong sa katayuan ng lahat ng tulay sa buong bansa.

Sa inihaing Senate Resolution No. 153 ni Senador Estrada, kailangang tingnan ang kalagayan at integridad ng istruktura ng mga tulay sa buong bansa kasunod ng pagguho ng 50-taong gulang na Piggatan Bridge sa Alcala, Cagayan na matatandaang ikalawang tulay na gumuho sa rehiyon ng Cagayan Valley sa loob lamang ng walong buwan.

Gumuho ang Piggatan Bridge noong Lunes (Oktubre 6) ng hapon matapos umanong lumampas ang mga trak sa 18-toneladang load limit nito. Ang mga trak ay may dalang palay at mais.

Apat na trak ang nahulog kasama ng tulay nang gumuho ito ng mahigit 20 talampakan. Pitong katao ang naiulat na sugatan, ayon sa Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

“Are we going to wait for another bridge to collapse before we act? We must act swiftly to identify vulnerable structures, especially in agricultural regions,” saad ni Estrada.

“It’s not just roads that are cut off when a bridge collapses — transportation, safety, and the livelihood of our countrymen are also affected,” binigyang-diin niya.

Binanggit ni Estrada na ang tulay, na nagsisilbing mahalagang link sa kahabaan ng Maharlika Highway, na nagdudugtong sa bayan ng Alcala sa natitirang bahagi ng lalawigan ng Cagayan at Tuguegarao City, ay pinatunayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bilang “in good overall condition” noong nakaraang taon.

“We must ensure that our bridges—especially those in agricultural and rural areas—are structurally sound and capable of withstanding present-day demands. The safety of our people and the stability of our economy depend on it,” aniya, idinagdag na ang pagguho ng Piggatan bridge ay kasunod ng pagkasira ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa karatig na lalawigan ng Isabela.

Sinabi ni Estrada na ang pag-ulit ng mga naturang insidente ay naglalabas ng mga seryosong katanungan tungkol sa tibay, mga protocol ng inspeksyon, at mga pamantayan sa disenyo ng pampublikong imprastraktura.

“The collapse of the Piggatan Bridge is a wake-up call. We owe it to the Filipino people to ensure that our roads and bridges are safe, efficient, and built to last,” ayon kay Estrada.

Bukod dito, sinabi ng mambabatas na kailangan din para sa DPWH at iba pang kinauukulang ahensya na unahin ang pagsasaayos at pagpapalit ng mga luma nang tulay, at tiyaking ang mga bagong konstruksyon ay nakakatugon sa mga modernong pamantayan na may kakayahang humawak sa tumaas na trapiko at mas mabibigat na kargamento. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here