Home HOME BANNER STORY Organizers ng Trillion Peso March, magsasagawa ng lingguhang protesta tuwing Biyernes

Organizers ng Trillion Peso March, magsasagawa ng lingguhang protesta tuwing Biyernes

261
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng lingguhang pagpoprotesta laban sa katiwalian tuwing Biyernes ang mga organizer ng “Trillion Peso March” simula bukas, Oktubre 10 upang paghahanda sa isang nationwide rally na isasagawa sa Nobyembre 30.

Isasagawa ang sabay-sabay na pagkilos ng mga paaralan, opisina, parokya, at iba’t ibang sentro ng komunidad. Kasama sa mga aktibidad ang noise barrage, pag-iilaw ng kandila at mga protesta sa mga itinalagang lugar. Magdaraos din ng misa sa Edsa Shrine at iba pang nakaplanong pagkilos sa mga sentro ng lungsod.

Hinimok ng mga organizer ang mga lalahok na magdala ng mga kandila, plakard at mga bagay na gumagawa ng ingay tulad ng sipol, busina, kaldero, at kawali.

Ang Trillion Peso March, na pinamumunuan ng Church Leaders Council for National Transformation at suportado ng mahigit 80 civil groups, ay inilarawan ng mga organizers bilang isang kampanya para paigtingin ang moral na pakikibaka ng mamamayan laban sa katiwalian.

“Join us in daily acts of solidarity: Wear a white ribbon. Put a white flag in your house, car, and churches. Toll the bells and sound a noise barrage, light candles at 8:00 p.m., and recite the National Day of Prayer and Public Repentance,” ayon sa Trillion Peso March Movement organizers sa kanilang Facebook post noong Oktobre 7.

Ang rally sa Nobyembre 30, na kilala ding Bonifacio day, ay inaasahang magiging kulminasyon ng serye ng mga kilos protesta. Isang daang grupo ang inaasahang dadalo sa pagtitipon.

Samantala, sinabi ni Bagong Alyansang Makabayan chair na si Teodoro “Teddy” Casiño na may patuloy na plano para sa isa pang malawakang protesta laban sa katiwalian na gaganapin ngayong Oktubre.

“There are suggestions that aside from the one on November 30, another big centralized rally should also be held this month,” saad ni Casiño.

“So these are the things that are being discussed now. The various sectors are also preparing their own mass actions, which we are encouraging because of what we are seeing,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here