Home HOME BANNER STORY Mga ulo gugulong sa pag-eskapo ni Guo – PBBM

Mga ulo gugulong sa pag-eskapo ni Guo – PBBM

MANILA, Philippines – TAPOS na ang maliligayang araw ng mga government personnel na tumulong para makaalis ng Pilipinas ang sinibak sa puwesto na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pananagutan niya sa batas ang mga taong nasa likod ng insidenteng ito.

“The departure of Alice Guo has laid bare the corruption that undermines our justice system and erodes public trust,” ang sinabi ng Pangulo sa isang jalatas.

“Let me be clear: Heads will roll,” diing pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na mapipilitan ang kanyang administrasyon na “expose the culprits who have betrayed the people’s trust and aided” sa pag-alis ni Guo sa bansa.

Sa katunayan aniya ay “full scale investigation is already underway, and those responsible will be suspended and will be held accountable to the fullest extent of the law.”

“There is no room in this government for anyone who places personal interest above serving the Filipino people with honor, integrity and justice,”giit nito.

Samantala, ipinag-utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Martes, Agosto 20 ang kanselasyon ng Philippine passport ni Guo.

Sa katunayan, ipinag-utos ni Bersamin na kagyat na gawin ang “appropriate action” para sa kanselasyon ng pasaporte ni Guo at kanyang mga kamag-anak na sina Wesley Guo, Sheila Leal Guo, at Cassandra Li Ong, awtorisadong kinatawan ng sinalakay na POGO raided sa Porac, Pampanga.

Ang memorandum ay ipinalabas ng Department of Foreign Affairs at Department of Justice.

Nauna rito, isiniwalat naman ni Senator Risa Hontiveros na si Guo, kilala rin bilang Chinese citizen Guo Hua Ping, umalis ng Pilipinas noong Hulyo 18 patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Kinumpirma naman ni Immigration spokesperson Dana Sandoval na si Guo ay kasalukuyang nasa Indonesia. Kris Jose