Home NATIONWIDE Mga Villar binigyan ng isang buwan para maghain ng counteraffidavits sa reklamo...

Mga Villar binigyan ng isang buwan para maghain ng counteraffidavits sa reklamo ng SEC

141
0

MANILA, Philippines – Binigyan ng higit isang buwan ang pamilya Villar ng Department of Justice Panel of Prosecutors para maghain ng counter-affidavits.

Ito ay matapos hilingin ng mga Villar para sa ‘extension’ sa paghahain ng kanilang kontra-salaysay sa reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission laban sa kanila.

Sa Abril 20, 2026 itinakda ang susunod na preliminary investigation upang ihain ng mga respondents ang kani-kanilang mga salaysay.

Sa naganap na pagdinig, inirekomenda ni Senior Deputy State Prosecutor Peter Ong na dapat sa harap ng DOJ Panel of Prosecutors manumpa ang mga ito at hindi sa ibang piskal.

Ngayon araw, Marso 16 sinimulan ng DOJ ang pagdinig sa mga reklamong isinampa ng SEC laban sa pamilya Villar sa iba pang respondents.

Kabilang sa mga ipinatawag sina dating Senator Manny Villar Cynthia Villar at mga anak na sina Mark at Camille Villar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here