Home NATIONWIDE MIAA nagbabala vs paggamit ng drones sa loob ng NAIA

MIAA nagbabala vs paggamit ng drones sa loob ng NAIA

MANILA, Philippines – NAKIPAG-UGNAYAN ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) hinggil sa pagka-alarma nito sa mga ulat ng hindi awtorisadong aktibidad ng drone sa loob ng 10-kilometer aerodrome radius ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Operating drones within this restricted radius without proper authorization poses significant safety risks, including potential collisions with aircraft, which can result in severe damage and endanger lives. The MIAA advises all drone operators that they must be aware of and follow all relevant restrictions set by the CAAP,” ” batay sa pahayag ng MIAA.

Ayon sa MIAA, noong 2023 ay may 10 naitalang nakakita ng walang lisensyang drone operations habang apat na insidente ang naiulat sa unang quarter ng 2024.

Nagbabala ang MIAA na ang hindi pagsunod sa mga regulasyon ng operasyon ng drone ng CAAP ay maaaring magresulta sa serious legal consequences, kabilang ang malaking multa at pagkakulong. Jay Reyes