Home NATIONWIDE VP Sara, namahagi ng P300K grants sa LGBTQ+ entrepreneurs sa CDO

VP Sara, namahagi ng P300K grants sa LGBTQ+ entrepreneurs sa CDO

PINANGUNAHAN ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng P300,000 halaga ng grants sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer plus (LGBTQ+) community na ‘nag- excell’ ang mga negosyo sa Cagayan De Oro City.

Ang mga recipients na binubuo ng 20 LGBTQ+ entrepreneurs ay makatatanggap ng P15,000 bawat isa sa pamamagitan ng “Mag Negosyo Ta ‘Day” grants.

“Equality and non-discrimination are important because these give peaceful living in our communities,” ang sinabi ni VP Sara sa isang panayam sa ikalawang taon ng Pride Reception na hinost ng Office of the Vice President (OVP).

“The OVP Pride Reception aims to amplify voices, raise awareness, and foster dialogue that advances LGBTQ+ rights and acceptance within Philippine society,” ayon kay VP Sara.

Noong nakaraang taon, apat na organisasyon at grupo sa ibang lugar ng Pilipinas ang nakatanggap ng P150,000 para sa kani- kanilang negosyo.

Ang event ngayong taon ay inorganisa katuwang ang LGBT Pilipinas, Inc. Kris Jose