Home ENTERTAINMENT Eunkwang ng BTOB tinuruan ni Elisia (UNIS) ng Pantropiko

Eunkwang ng BTOB tinuruan ni Elisia (UNIS) ng Pantropiko

SOUTH KOREA – Hindi lamang sa Pilipinas ang pamamayagpag ng BINI!

Even sa Korea kasi ay unti-unting nakikilala rin ang awitin ng grupo.

Sa katunayan, tinuruan ni Elisia Parmisano ng K-pop girl group na UNIS ang BTOB member na si Seo Eunkwang ng “Pantropiko” Dance Challenge.

Ito ay makaraang hilingin ni Eunkwang sa kanyang vlog na ‘Kwang’s Box’ kung mayroon bang sikat na dance challenge mula sa Pilipinas.

Dito na inirekomenda ni Elisia ang ‘Pantropiko.’

Matiyagang itinuro ni Elisia ang steps ng ‘Pantropiko.’ Sa una ay nahirapan pa si Eunkwang ngunit kalaunan ay nagamay niya na ito.

Napahanga naman si Elisia sa galing ni Eunkwang na makuha kaagad ang choreography. Pinuri rin ni Eunkwang si Elisia sa galing nito sa pagsayaw at pagtuturo.

Matatandaan na nakamit ni Elisia ang first place sa reality competition na Universe Ticket dahilan para siya ang maging kauna-unahang miyembro ng girl group na ngayon ay tinatawag na UNIS.

Si Elisia ang kauna-unahang Filipina member ng grupo na sinundan ni Gehlee Dangca at Filipino-Korean na si Jin Hyeon Ju. RNT/Josh Castro