SOUTH KOREA – Nagpakita ng mainit na suporta ang BLACKPINK member na si Rosé para sa kanyang kaibigan at kagrupo na si Lisa!
Ito ay makaraang gulatin ni Lisa ang mga fans sa kanyang solo comeback!
Inilabas kamakailan ay second teaser photo ng “ROCKSTAR” para sa kanyang solo comeback.
Sa naturang teaser photo, makikita ang striking concept tampok ang “wolf cut” hairstyle, tanned skin, sharp expressions, at matalim na titig ni Lisa direkta sa camera.
Very elegant din si Lisa sa kanyang luxurious accessories, kabilang ang malaking hikaw, silver nails, rings at mga bracelet.
Ilang oras pa lamang matapos na mailabas ang concept photo ay umani kaagad ito ng mahigit 7 million likes at libo-libong komento.
Isa na sa mga nagbigay ng komento at suporta ay ang matalik niyang kaibigan at BLACKPINK co-member na si Rosé.
Partikular nitong inilagay sa comment section ay isang heart-on-fire emoji at shocked face emoji. RNT/Josh Castro