Home NATIONWIDE P6B emergency loans inilaan ng GSIS sa naapektuhan ng Kanlaon blast, El...

P6B emergency loans inilaan ng GSIS sa naapektuhan ng Kanlaon blast, El Niño, bagyong Aghon

MANILA, Philippines – NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P6 billion na emergency loans para sa mga GSIS members at pensioners na apektado ng pagputok ng Mount Kanlaon, El Niño, at bagyong Aghon.

Sinabi ng GSIS na may 231,250 calamity victims ang makikinabang mula sa programa.

Ang aplikasyon ay bukas hanggang Hulyo 4 para sa Bohol, Capiz, at Kalibo (Aklan); hanggang Hulyo 6 para sa Cabanatuan City, Aborlan, El Nido (Palawan), at Quezon Province’s 1st at 2nd districts; hanggang Hulyo 9 para sa San Andres (Romblon); at hanggang Hulyo 19 para sa San Lorenzo, Sibunag (Guimaras), San Carlos City, San Enrique, at La Castellana (Negros Occidental).

Makahihiram naman ang mga miyembro ng hanggang P40,000 kung mayroon silang ‘existing loans’ o P20,000 kung wala naman silang ‘existing loans.’

Ang mga eligible members ay dapat na aktibo, nakatira o nagta-trabaho sa deklaradong calamity area; walang unpaid leave; walang nakabinbin na legal na kaso; nakapagbayad ng premiums para sa kahit papano ay anim na buwan; at napanatili ang net take-home pay na 5,000. Ang mga kabilang naman sa Old-age at disability pensioners sa mga apektadong lugar ay maaari ring mag-apply, iyon nga lamang kailangan na panatilihin nila ang 25% ng kanilang net monthly pension matapos bayaran ang amortization.

Mayroong mababang interest rate na 6% at three-year payment term, nag-aalok ang emergency loan ng isang ‘viable financial relief option.’ Ang mga aplikasyon ay maaaring isumite sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app, download able ito mula sa Google Play Store at Apple App Store.

Para sa iba pang katanungan, bisitahin lamang ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph), mag-email sa [email protected], o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung sa Kalakhang Maynila ) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N Text subscribers). Kris Jose