Home TOP STORIES Magarbong bday party ng isang alkalde pinuna ni ex-Sen. Trillanes

Magarbong bday party ng isang alkalde pinuna ni ex-Sen. Trillanes

Pinuna ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang umano’y magarbong pagdiriwang ni Caloocan City Cong. Oscar Malapitan ng ika-70 Kaarawan nito sa isang mamahaling hotel kamakailan na umabot umano sa halang P3 million.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Trillanes hindi umano magandang ehemplo ang ipinakita ni Malapitan na habang nagdiriwang ng magarbong kaarawan ay marami namang mga taga-Caloocan ang naghihirap.

Hindi rin daw isyu kung personal na pera ni Malapitan ang ginamit o ginastos sa birthday party.

Mas masarap daw sana sa pakiramdam kung nagsagawa na lamang ng kanyang Kaarawan ang mambabatas sa piling ng kanyang mga constituent.

Kinuwestyon din ni Trillanes kung saan galing ang pinangastos sa magarbong Bday party ni Malapitan.

Ayon sa source ang umano’y Bday celebration ni Malapitan ay ginawa noong June 14 sa isang sikat at mamahaling Hotel sa Pasay na dinaluhan ng 1,000 bisita kasama ang mga barangay at city officials, mga negosyante, celebrities, at ilang top govt officilas.

Matatandaang si Malapitan ay inakusahan sa maling paggamit ng kanyang PDAF na may halagang P8 Milyon.Makaraan ang 2 taon, noong 2015 nagsampa ang Office of the Ombudsman dito ng kasong graft and corruption at 6 na opisyal ng DSWD nang gamitin ang kanyang PDAF para sa programa ng Kalookan Assistance Council Inc. RNT