Mexico City, Mexico – Dismayado ang mga Pinoy pageant fans na hanggang sa pagiging isa sa mga 30 semi-finalists lang ang ating kinatawan sa recently concluded na 73rd Miss Universe na si Chelsea Manalo.
Bigo nga ang Bulacan beauty na maka-advance sa Top 12.
Isa nga sa mga itinuturong dahilan ng pagkatalo ni Chelsea ay ang international fashion designer na si Michael Cinco.
Si Cinco ay isa lang sa 13 kataong bumubuo ng selection committee and the only Filipino judge.
Pero sadya yatang may ilang pageant buffs na makitid ang pag-iisip.
Kesyo mababa raw ang ibinigay na score ni Cinco kay Chelsea.
For sure naman ay mataas ang ibinigay na grado ni Cinco sa pambato ng bansa but it wasn’t enough to pull Chelsea up para mapabilang sa Top 12.
Gustuhin man ni Cinco na mapasama si Chelsea sa Top 12, may 12 judges pa whose votes ay kailangang ikunsidera.
Tiyak ding ikinalungkot ni Cinco when our delegate failed to make it to the Top 12.
Dahil dito’y ikinumpara pa si Cinco kay Marian Rivera.
Matatandaang naging isa rin sa 13 hurado at nag-iisang Filipino judge si Marian sa 70th Miss Universe.
Held in Eliat, Israel–pasok sa Top 5 si Beatrice Luigi Gomez.
Hindi man naiuwi ni Chelsea ang inaasam-asam na ikalimang Miss Universe crown ay siya naman ang tinanghal na Miss Universe Asia.
In fairness, Chelsea fought a good fight. Ronnie Carrasco III