Home NATIONWIDE United efforts hirit ng Obispo sa pagpapauwi kay Veloza

United efforts hirit ng Obispo sa pagpapauwi kay Veloza

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-asa ang isang Obispo na mangyayari ang matagal nang hinihintay na pahlipat kay Mary Jane Veloso, ang isang Filipino na nasa death row sa Indonesia.

Sinabi ni Antipolo Bishop Ruperto Santos, ng Church-based migrants’ organization Stella Maris-Philippines, na ang ulat sa paglipat kay Veloso sa Pilipinas ay “crucial moment” para sa kanya at kanyang pamilya.

Noong nakaraang Linggo, sinabi ni Indonesia’s Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction (Kemenko Kumham Imipas) ay kinokonsidera ang paglipat ng bilanggo sa foreign inmates kanilang si Veloso bilang bahagi ng constructive diplomacy.

Matatandaang sinabi noong 2015 ni Indonesian President Joko Widodo na binigyan si Veloso ng “temporary reprieve” mula sa nakatakdang pagbitay sa kanya para sa umano’y human trafficking.

Isang kasong human trafficking at large-scale illegal recruitment ang isinampa laban sa mga trafficker ni Veloso na sina Julius Lacanilao at Cristina Sergio, sa Regional Trial Court ng Nueva Ecija.

Noong 2020, ibinaba ang guilty verdict sa mga recruiter ngunit ngunit nakabinbin pa rin ang kasong trafficking.

Ang pamilya ni Veloso ay nagpadala ng mga liham kina Joko Widodo at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero ng taong ito para umapela sa kanyang clemency. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)