Home NATIONWIDE MILF commander tinodas; manhunt ikinasa

MILF commander tinodas; manhunt ikinasa

199
0

AMPATUAN, Maguindanao del Sur — Nagsagawa ng manhunt ang pulis at sundalo laban sa mga gunmen na umambush at pumatay sa isang Moro Islamic Liberation Front (MILF) field commander at sa kanyang aide sa Barangay Kapinpilan noong Lunes ng gabi.

Namatay sina Hams Kindo, alias Commander Tuabak, 46, ng MILF 118th Base Command, at Mohammad Acob, 44, nang salakayin ang kanilang van sa isang dirt road sa Sitio Bliss bandang alas-8 ng gabi.

Natagpuan sa loob ng sasakyan ang dalawang riple at bala. Idineklarang patay ang mga biktima sa ospital.

Binatikos ni Ampatuan police chief Capt. Guiseppe Tamayo ang insidente.

“This senseless act of violence is a blatant disregard for human life and a direct affront to peace and order and the rule of law.” Pinaniniwalaan ng pulisya na ang mga salarin ay residente ng nasabing barangay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here