Home NATIONWIDE Militanteng grupo nagbanta; mga kabataang dinampot nais palayain

Militanteng grupo nagbanta; mga kabataang dinampot nais palayain

197
0

MANILA, Philippines – Nagbanta ang mga militanteng grupo na lalawak pa ang paglabag at paglabas nila sa kalsada kapag hindi pinalaya ang mga kabataang ralyista na dinampot sa marahas na anti-corruption rally noong Setyembre 21.

Sa ikinasang kilos protesta ng Gabriela at Piston sa harap ng Manila Police District (MPD) headquarters nitong Lunes, panawagan nila na pakawalan ang mga batang inaresto.

Panawagan ng Gabriela kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, palabasin ang mga kabataan na ang kailangan lamang ay panawagan ng hustisya sa ating bayan.

“Kaya kung hindi niyo palalabasin ‘to, mas malawak na lalabag/lalabas sa lansangan ang mamamayan’, sigaw pa ng grupo.

Sigaw ng grupo, hustisya para sa mga kabataan na ikinulong at sinaktan ng mga pulis at panagutin sila sa pananakit sa kanilang mga anak.

Hiningan naman ng reaksyon si Mayor Isko kaugnay dito ngunit wala pang tugon sa ating katanungan habang isinusulat ang balitang ito. Jocelyn Tabnagcura- Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here