Home NATIONWIDE Milyon-milyong galit na Amerikano magra-rally laban kay Trump

Milyon-milyong galit na Amerikano magra-rally laban kay Trump

164
0

UNITED STATES — Inaasahang milyon-milyong Amerikano ang lalahok sa malawakang protesta sa buong Estados Unidos laban kay President Donald Trump, bunsod ng umano’y awtoritaryan nitong pamumuno at kontrobersyal na mga polisiya.

Ang kilos-protesta, na bahagi ng grassroots movement na “No Kings,” ang ikatlong malakihang rally sa loob ng wala pang isang taon, kasunod ng mga demonstrasyon noong Hunyo at Oktubre 2025 na dinaluhan ng milyon-milyong katao.

Kabilang sa mga isyung ikinagagalit ng mga raliyista ang digmaan sa Iran, paggamit umano ni Trump ng kapangyarihan sa pamamagitan ng executive orders, at mga polisiya sa immigration, climate change, at civil rights.

“This administration has dragged us deeper into war,” ani Naveed Shah ng Common Defense, isa sa mga grupong kalahok sa protesta.

Ayon sa mga organizer, mahigit 3,000 rally ang nakatakdang isagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa—mula malalaking lungsod hanggang sa maliliit na komunidad.

Tinukoy rin ang Minnesota bilang isa sa mga sentro ng protesta, kung saan inaasahang dadalo ang libo-libong demonstrador.

Samantala, nananatiling mababa ang approval rating ni Trump sa humigit-kumulang 40%, habang papalapit ang midterm elections sa Nobyembre kung saan maaaring mawala sa kontrol ng kanyang partido ang Kongreso.

Giit ng “No Kings” movement, lumalakas ang panawagan laban sa umano’y pamumuno na tila “hari,” kasabay ng pagtaas ng gastusin at pangamba sa seguridad at karapatan ng mamamayan.

“America is at an inflection point,” ani Randi Weingarten, lider ng American Federation of Teachers.

Sa kabila nito, nananatiling hati ang opinyon ng publiko sa pamumuno ni Trump, kung saan may matibay pa rin siyang suporta mula sa kanyang mga tagasuporta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here