Home NATIONWIDE Minahan sa Nueva Vizcaya napasok na ng mga minero

Minahan sa Nueva Vizcaya napasok na ng mga minero

305
0

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya – Matapos ang ilan buwan na pagbabarikada ng mga nagmamay-ari ng lupa at mga anti-mining ay tuluyan ng naipasok ng mining company ang kanilang mga kagamitan sa pagmimina na tubo, gasolina, at drilling core boxes kabilang ang ilang heavy equipments sa Barangay Bitnong, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Kasama ang naturang lugar sa mahigit 3,100-ektaryang lupa na mayroo umanong mineral exploration permit ang kompanya.

Binuwag ng mga kapulisan kasama ang nasabing kompanya ang barikada kontra pagmimina ng mga residente.

Ayon sa mga residente, matagal nang hindi nakakapagpasok ng mga gamit ang mining company mula nang magtayo sila ng barikada.

Namataan din ang mga empleyado ng kompanya na nagbababa ng drilling core boxes na may lamang rock samples.

Ayon sa Mines and Geosciences Bureau, gold, copper, zinc, at lead ang planong minahin sa lugar.

Umaapela ang mga residente sa naturang lugar at anti-mining advocate sa pamahalaan ng Nueva Vizcaya sa pamamagitan nina Gov. Jose Gambito, Cong. Tim Cayton at kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na huwag sanang payagan ang mga dayuhan na sirain ang kabundukan na bahagi ng Sierra Madre.

Samantala, umabot sa pitong katao ang naaresto ng pulisya sa mga anti-mining na pansamantalang nakakulong ngayon. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here