Home NATIONWIDE SP Sotto: Chairmanship ng isa o dalawang komite maaaring mabago

SP Sotto: Chairmanship ng isa o dalawang komite maaaring mabago

143
0

MANILA, Philippines – Pinalutang ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Lunes, Enero 26, ang posibilidad ng shake-up sa chairmanship ng isa o dalawang komite sa Mataas na Kapulungan.

Ito ay kasabay ng pagbabalik ng sesyon sa Senado matapos ang isang buwang legislative break.

Bago ang sesyon, nagkaroon ng caucus ang mga miyembro ng Senate majority.

Nang tanungin kung ano ang napag-usapan sa caucus, sinabi ng Senate President na, “Well, madami. Una sa lahat, syempre after the break, siyempre, merong updating, may usapan, may kwentuhan.”

“And, pinag-usapan din namin ‘yung mga organizational meetings ng mga ibang committee. Nabanggit ‘yung Committee on Ethics at ‘yung mga ibang pang-committee na pinag-iisipan namin. Kasi, there might be one or two committees na baka magbago ng chairmanship. So, nag-uusap-usap muna kami, ‘yung mga members of the majority,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito ay tumanggi si Sotto na tukuyin kung anong mga komite ang magkakaroon ng bagong chairperson.

“’l’ll let you know tomorrow. Nothing concrete at this point. Pinagusapan lang. Ayoko munang sabihin kung ano anong committee ‘yun dahil baka magkaroon ng… Hindi pa alam ng iba, mabuting alam na nila.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here