Home NATIONWIDE Mindanao, silangang bahagi ng South Luzon at Visayas apektado ng easterlies

Mindanao, silangang bahagi ng South Luzon at Visayas apektado ng easterlies

1
0

MANILA, Philippines – Apektado ng easterlies ang Mindanao, at silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Mindanao dahil sa easterlies.

Ang Bicol Region at Eastern Visayas naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa kaparehong weather system.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here