Home NATIONWIDE Mindanao uulanin sa ITCZ

Mindanao uulanin sa ITCZ

MANILA, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na magdadala ng pag-ulan sa mga bahagi ng Mindanao ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), habang ang easterlies naman ang nakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa.

Ayon sa weather bulletin ng PAGASA ngayong 4 a.m., makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mga lalawigan ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.

Nagbabala ang ahensya sa banta ng flash floods at landslide sa mga lugar na ito dahil sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang ulan o thunderstorm.

Ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may posibleng isolated rainshowers at thunderstorms dulot ng easterlies. RNT