Home METRO M-6.3 na lindol yumanig sa karagatan ng Sarangani, DavOc

M-6.3 na lindol yumanig sa karagatan ng Sarangani, DavOc

MANILA, Philippines – Isang magnitude 6.3 na lindol ang yumanig sa karagatan malapit sa Sarangani, Davao Occidental nitong Martes ng gabi, ayon sa PHIVOLCS.

Una itong naitala bilang magnitude 5.7, ngunit na-update sa 6.3. Naitala ito dakong 6:17 p.m., may lalim na 109 kilometro, at tectonic ang pinagmulan. Matatagpuan ang epicenter sa layong 287 km southeast ng Sarangani Island.

Nararamdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III – Malungon, Sarangani; Lungsod ng General Santos

Intensity II – Tupi at Lungsod ng Koronadal, South Cotabato; Kiamba, Sarangani

Intensity I – Maitum at Malapatan, Sarangani; Palimbang, Sultan Kudarat

Inaasahan ang mga aftershocks at posibleng pinsala. Maging alerto po ang lahat sa mga susunod na oras. Santi Celario