Home NATIONWIDE ‘Mindoro template’ gagamitin ng pamahalaan sa Bataan oil spill damage claims

‘Mindoro template’ gagamitin ng pamahalaan sa Bataan oil spill damage claims

142
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na sisiguruhin ng pamahalaan na mababayaran ang lahat ng mga residenteng maaapektuhan ng oil spill dulot ng tatlong magkakahiwalay na maritime incidents sa Bataan.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez nitong Sabado, Agosto 3, nakapagdesisyon ang pamahalaan na gamitin ang template na ginamit nito sa pagtugon sa Mindoro oil spill noong 2023 para sa maritime disasters, kabilang ang pinakahuling Bataan maritime incidents “to claim damages and establish liabilities.”

“Previous to that, wala, parang (there’s none, I think) we just let it pass. It’s high time, the Philippines being an archipelagic country, that we should really focus on making sure that those responsible will answer for it criminally, civilly and administratively,” sinabi ni Vasquez.

Nagsagawa na ang DOJ ng fact-finding initiative sa paglubog ng MT Terranova at MTKR Jason Bradley, at ang sumadsad na MV Mirola 1 sa Bataan na nangyari lamang sa nakalipas na dalawang linggo.

Samantala, sinabi ni Vasquez na inatasan ng DOJ ang National Investigation Bureau na magsagawa ng parallel investigation kasama ang fact-finding activity na isinasagawa ng Department of Environment at Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi pa ng opisyal na isusulong din ng pamahalaan ang institutional claims bukod pa sa paghingi ng individual compensation sa mga mangingisda at iba pang naapektuhan ng oil spill.

Ang tinutukoy ay ang claims ng mga ahensya ng pamahalaan na rumesponde sa magkakasunod na insidente gaya ng PCG, Departments of Health, Tourism, Trade and Industry, at Interior and Local Government.

“Lahat ay pinagsama-sama ngayon para mag-file at iipunin iyong lahat ng ebidensiya at titingnan ngayon noong International Oil Pollution Compensation Fund na iyan at babayaran. Iyon po ang sa Mindoro,” ani Vasquez.

“Ganoon din ang ginagawa natin, nagkaroon na ng first meeting at ito, fact-finding pa lamang,” dagdag pa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here