Home METRO Misis kinatay ng dating mister

Misis kinatay ng dating mister

ALICIA, Isabela – Sinampahan na ng kasong Parricide ang isang mister matapos nitong pagsasaksakin ang kanyang dating misis sa San Pablo Alicia Isabela.

Ang biktima ay kinilalang si Maria, 48-anyos na residente ng San Pablo, Alicia, Isabela habang ang suspek ay ang dati nitong mister na si alyas Pedro, magsasaka at residente rin ng nasabing barangay.

Ang biktima at ang suspek ay dating mag-asawa at naghiwalay noong nakaraang taon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima at doon sila nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan na humantong sa pananaksak ng suspek sa dati nitong misis bago ito nagtangkang tumakas ngunit kalaunan ay nahuli rin ng pulisya.

Nadala pa naman sa pagamutan ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay dahil sa tinamong pitong saksak sa katawan.

Sa kasalukuyan ang suspek ay nakapiit sa lock-up cell ng Alicia Police Station at inihahanda na ang kasong Parricide na isasampa laban sa kanya. Rey Velasco