MANILA, Philippines – Muling napatunayan ang malaking epekto ng inisyatibang Malasakit Center ni Senator Christopher “Bong” Go sa patuloy na pakikipaglaban sa stage 3 cancer ng isang ginang na taga-Barangay Tatalon, Quezon City.
Bagama’t ang kanyang kuwento ay hindi naisapubliko, sumasalamin ito sa karanasan ng marami na nahaharap sa hirap ng paglalakbay tungo sa pagrekober.
Sa edad na 55, unang inakala ni Janet Garganta na siya ay dumaranas lamang ng ng simpleng karamdaman o posibleng impeksyon sa ihi. Gayunpaman, lumala ang pananakit ng kanyang tiyan at hindi nagtagal ay na-diagnose siya na may Stage 3 Endometrial Carcinoma sa obaryo.
“Kala ko UTI lang e, masakit lang ‘yung tiyan ko. Sobrang sakit. ‘Yun pala, cancer na. Nung na-biopsy, Stage 3. Ganun po siya, kabilis nangyari,” ani Janet.
Ang masamang balita ay nagpaguho sa kanya. Siya ay sumailalim sa operasyon, ang pagtanggal sa kanyang buong reproductive system, at chemotherapy, bawat sesyon ay inuubos hindi lamang ang kanyang lakas kundi pati ang financial resources ng kanyang pamilya.
Para sa marami, hindi lamang ang diagnosis ang nagdadala ng kabigatan. Ang pinansiyal na pasanin ng paglaban sa kanser ay nag-iiwan sa
mga pamilya sa bingit ng kawalan ng pag-asa.
“Ang nakakamatay po ay ang gastusin,” sabi ni
Janet.
Si Janet ay ginabayan upang humingi ng tulong sa Malasakit Center sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila, isang inisyatiba na pinangunahan ni Sen. Go. Natagpuan na lamang ni Janet ang sarili sa pintuan ng lifeline na ito sa isa sa mga pinakamahirap na panahon ng kanyang buhay.







