Home NATIONWIDE Illegal na sigarilyong may P8B tax liability kinumpiska ng BIR

Illegal na sigarilyong may P8B tax liability kinumpiska ng BIR

130
0

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga illegal na sigarilyo at hindi rehistradong makina sa ikinasang raid sa apat na manufacturer sa Clark, Pampanga.

Sa pahayag nitong Lunes, Oktubre 7, sinabi ng BIR na ang kabuuang tax liability ng mga ito ay aabot sa P8.06 billion, kung saan ang operasyon noong Setyembre 12 ang maituturing na pinakamalaking raid laban sa mga illegal na sigarilyo mula nang manungkulan sa pwesto si Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Sinabi ng BIR na ang mga manufacturer ng mga sigarilyong ito ay iniimbestigahan na sa paglabag sa National Internal Revenue Code.

“This PHP8 billion raid in Clark, Pampanga shows that the BIR targets even large-scale manufacturers of illicit cigarettes, not just small-scale dealers or smugglers,” ani Lumagui.

“The BIR supports the call of President Bongbong Marcos to eradicate illicit tobacco trade. The BIR will do its share to protect the livelihood of legitimate tobacco farmers,” dagdag pa niya.

Noong Setyembre, nagkasa ang BIR ng mga raid sa Caloocan at Quezon City, kung saan nakakumpiska naman sila ng aabot sa P838 milyong tax liability na mga illegal na sigarilyo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here