Home NATIONWIDE Pilot program sa PH domestic workers sa Seoul, binago

Pilot program sa PH domestic workers sa Seoul, binago

156
0

MANILA, Philippines – Binago ng Seoul city government nitong Linggo, Oktubre 6, ang pilot program nito para sa mga Filipina domestic worker matapos ang isang buwang implementasyon nito.

Ang revisions ay isinagawa sa pagpupulong sa pagitan ng labor ministry, at iba pang Partido upang pag-usapan ang mga isyu gaya ng pag-alis ng ilang empleyado sa kanilang trabaho nang walang permiso.

Kabilang sa mga inamyendahan ay ang pagbabago sa payment system, pagbibigay ng pagkakataon sa mga manggagawa na magkaroon ng option na matanggap ang kanilang sahod dalawang beses sa isang buwan sa halip na isang beses lamang.

Para sa mga manggagawa na may dalawang tirahang pinagtatrabahuhan, sisikapin na gagawing magkalapit lamang ang mga bahay na ito upang mabawasan ang travel time.

Bibigyan din ng designated break areas ang mga empleyado sa kanilang shift.

Naging kapansin-pansin din na inalis sa programa ay ang requirement para sa mga domestic workers na boluntaryong magreport ng kanilang pag-uwi sa bahay pagsapit ng 10 p.m., kasabay na rin ng hiling ng mga empleyado.

Dagdag pa, kinokonsidera ang pagpapalawig ng pananatili ng empleyado, na kasalukuyang pasok sa seven-month period ng programa sa pakikipagtulungan sa Embassy of the Philippines.

“We have actively incorporated feedback from the field after thoroughly reviewing the program,” pahayag ni Kim Sun-soon, director ng Seoul City’s Women and Family Policy Division.

Iginiit niya ang commitment ng lungsod na lumikha ng komportableng working environment at nagbibigay ng awtonomiya sa mga manggagawa kasabay ng pagtugon sa mga suliranin gaya ng unauthorized departures.

Ang pilot program ay inilunsad noong nakaraang buwan, kasama ang 100 Filipina domestic workers na magseserbisyo ng child care at household services sa mga tirahan sa South Korea na may anak na eda 12 pababa, o mga nagbubuntis upang mapagaan ang lumalaking childcare burden. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here