Home SPORTS UFC: Pereira wagi kontra Rountree

UFC: Pereira wagi kontra Rountree

138
0

Matagumpay na naidepensa ni  UFC light heavyweight world champion Alex Pereira sa ikatlong pagkakataon ang kanyang korona  kasunod ng isang fourth-round technical knockout laban kay Khalil Rountree Jr. sa main event ng UFC 307 noong Linggo sa Delta Center sa Salt Lake City sa Utah.

Lumabas si Rountree na umiindayog habang si Pereira ay nanatiling kalmado at inihagis ang kanyang jab at patented leg kicks.

Sa simula pa lang, nais ni Rountree na magpunta ng malaking kaliwa diretso sa itaas, ngunit madalas na kailangan lang ni Pereira na umatras upang maiwasan ang malaking suntok.

Sa Round 2, paulit-ulit na sinubukan ni Rountree na patamain ang kanyang kaliwang kamay ngunit naiilagan niPereira.

Sa mahigit isang minutong natitira sa laban, si Rountree ay nakakuha ng right hook na pansamantalang nagpatigil  kay Pereira.

Nawala ang lakas ni Rountree pagkatapos ng tatlong round ng back-and-forth na aksyon.

Sa Round 4, nagawa ni Pereira na masindak si Rountree sa pamamagitan ng mga jab at duguan siya mula sa sunud-sunod na suntok sa ibabaw.

Dahil pagod si Rountree at hindi magawang ihagis ang kanyang mga suntok na may kaparehong lakas, sinubukuan ni Pereira na tapusin ang laban at nagpakawala  ng sunud-sunod na suntok sa ulo at katawan na nagpabagsak sa una, na nag-udyok sa referee na ihinto ang paligsahan sa 4:32 mark of Round 4.

“I can say that this was one of the toughest fights. I expected that. Ipinakita niya ngayong gabi na napakaraming kalidad niya,” sabi ni Pereira pagkatapos ng laban.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here