MANILA, Philippines -ISANG feasibility study ukol sa Bataan Nuclear Power Plant rehabilitation at pagpapalakas sa maritime cooperation ang dalawa sa anim na sinelyuhang bagong kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea, araw ng Lunes, Oktubre 7.
Nagkasundo kasi ang dalawang bansa na itaas ang kanilang ugnayan sa isang “strategic partnership.”
Sa katunayan, kapuwa sinaksihan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at South Korean President Yoon Suk Yeol ang presentasyon ng mga bagong nilagdaang kasunduan sa Palasyo ng Malakanyang.
Kabilang sa mga bagong kasunduan ay ang ‘ of Understanding (MOU) sa Feasibility Study ng Bataan Nuclear Power Plant; MOU sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Korea Coast Guard hinggil sa Maritime Cooperation; MOU sa Economic Innovation Partnership Program (EIPP); MOU para sa Strategic Cooperation on Critical Raw Material Supply Chains; at ang Loan Agreement on Samar Coastal Road II Project at MOU sa Laguna Lakeshore Road Network Project Phase I (Stage I) at Panay-Guimaras-Negros Island Bridges Project; at Implementation Program ng MOU sa pagitan ng Department of Tourism at Ministry of Culture, Sports, at Tourism of the Republic of Korea para sa 2024-2029.
Si Yoon ay nasa Pilipinas para sa kanyang two-day state visit bilang pagpapaunlak na rin sa naging imbitasyon ni Pangulong Marcos. Si Yoon ang kauna-unahang South Korean leader na bumisita sa bansa simula pa noong 2011.
Kapuwa naman nagkasundo sina Pangulong Marcos at Yoon na itaas ang bilateral ties ng dalawang bansa sa strategic partnership.
Winika ng Pangulo na “this will bring further impetus to the strengthening and deepening” ng pagtutulungan sa pagitan ng dalawang bansa sa ‘isang napaka-komplikadong geopolitical at economic environment.’
Sa kanilang bilateral meeting, napag-usapan ng dalawang lider ang ilang larangan ng kooperasyon kabilang na ang ‘tanggulan at seguridad, maritime cooperation, economic at development cooperation, at people-to-people exchanges.’
“We agreed that we have made significant strides in advancing and deepening our bilateral cooperation towards the attainment of our mutually beneficial goals,” ang sinabi ng Pangulo.
Nagpalitan din ng kani-kanilang mga pananaw ang dalawang lider ukol sa regional at international issues gaya ng West Philippine Sea at sa Korean Peninsula.
“I welcome the Republic of Korea’s efforts to promote peace and stability in the Korean Peninsula. The “Audacious Initiative” and the ‘August 15 Unification Doctrine’ are important efforts in this regard,” ayon sa Chief Executive.
“We acknowledged the efforts of both sides to enhance bilateral trade and we looked forward to implementing our free trade agreement, that has been ratified and concurred to by the Philippine Senate. In addition, we recognized our cooperation within ASEAN, and the Republic of Korea’s initiatives, such as the ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR), that also benefited ASEAN Member States, including the Philippines,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ang bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa ay nagsimula noong Marso 3, 1949 nang ang Pilipinas ay naging pang-limang bansa na kumilala sa Republic of Korea.
Ang pagkakaibigan ay naging matatag sa pamamagitan ng pagde-deploy ng Philippine Expeditionary Force to Korea (PEFTOK) sa panahon ng Korean War noong 1950s.
Samantala, inaasahan naman na pangungunahan nina Pangulong Marcos at Yoon ang Philippines-Korea Business Forum, ngayong araw ng Lunes. Kris Jose