ILOCOS SUR, Philippines – Tigok ang isang 48-anyos na ginang matapos pagbabarilin sa bayan ng Magsingal ng lalawigang ito kagabi.
Base sa imbestigasyon, nakatayo sa terrace ng kanilang bahay ang biktima nang biglang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek o mga supek na nakasakay ng motorsiklo.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek o mga suspek.
Resulta nito, ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para tuklasin kung ano ang motibo sa krimen at para tukuyin ang salarin o mga salarin. Rolando S. Gamoso