Home METRO Misis pinatay ng selosong live-in partner

Misis pinatay ng selosong live-in partner

TUMAUINI, Isabela – Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na mayroon ng person of interest o suspek di umano sa pagpaslang sa kanyang kinakasamang babae matapos na matagpuan sa isang farm sa Brgy. San Vicente, Tumauini, Isabela.

Ayon kay PMaj. Melchor Aggabao, Hepe ng Tumauini Police Station, natagpuan ng ilang residente sa lugar ang wala nang buhay na katawan ng isang babae nang sila ay papunta sana sa bukid.

Aniya, noong una ay walang pagkakakilanlan ang biktima maliban sa suot nito na itim na sando blouse at green na shorts kaya naman nakipag-ugnayan sila sa mga karatig na himpilan ng Pulisya.

Agad namang tumawag sa kanila ang Ilagan City Police Station dahil nagreport sa kanila si Rackan Dela Cruz Pahimna ng Calamagui 1st, City of Ilagan na nawawala umano ang live-in partner nito.

Kung saan ay nakumpirma niya na ang bangkay na natagpuan sa bayan ng Tumauini ay ang kaniyang live in partner na si Camille Balayan.

Ayon kay dela Cruz, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng kaniyang live-in partner dahil sa selos dahilan upang umalis ang biktima sa kanilang bahay.

Ngunit pagsapit umano ng alas siete ng gabi ay nagtext pa sa kaniya ang biktima na pauwi na siya ng bahay ngunit hindi na ito nakauwi pa.

Isasailalim naman sa autopsy ang katawan ng biktima upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito lalo na at may nakitang mga galos sa kaniyang leeg at dugo sa kaniyang tainga.

Ayon kay PMaj. Aggabao, posible rin na hindi nangyari sa bayan ng Tumauini ang pagpatay at itinapon lang umano ang bangkay dito para iligaw ang imbestigasyon.

Dahil dito, posible di umano ang kanyang live-in partner ang may kagagawan sa pagpatay sa kanyang kinakasama na natagpuan bangkay.

Kung saan ay patuloy ang pangangalap ng ebidensya para tuluyan ng sampahan ng kaso ang l8ve-in partner nito. (Rey Velasco)