Home HOME BANNER STORY Misis tinodas ni mister sa loob ng simbahan

Misis tinodas ni mister sa loob ng simbahan

320
0

CEBU – Nahulicam sa CCTV ang pagpatay sa isang babae ng katabi nitong lalaki sa loob mismo ng simbahan sa Liloan, Cebu nitong Oktubre 24, 2025.

Sa imbestigasyon, kinilala ng pulisya na asawa mismo ng biktima ang suspek sa pagpatay sa loob ng San Fernando El Rey Parish.

Base sa CCTV, makikitang magkatabi sa upuan ang mag-asawa bago nagkaroon ng pagtatalo. Bigla umanong sinaktan at sinakal ng lalaki ang kaniyang asawa hanggang sa ito ay matumba.

Ayon kay Police Lt. Col. Dindo Juanito Alaras, hepe ng Liloan Police, nag-ugat ang insidente sa alitan ng mag-asawa na nauwi sa karahasan.

Sinusuri pa ng mga imbestigador kung tinangka pa ng suspek na i-revive ang babae o muli itong sinaktan habang nakahandusay na sa sahig.

Lumabas sa imbestigasyon na may problema sa pag-iisip umano ang suspek at dati nang nakulong sa Negros Occidental dahil sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262) na isinampa ng biktima.

Gayunman, siya rin umano ang nagpiyansa upang makalaya ang kaniyang asawa, na ngayo’y pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad.

Pansamantalang isinara ng Archdiocese of Cebu ang simbahan bilang bahagi ng rite of reparation at pag-aalay ng mga panalangin para sa biktima. Isinasagawa muna ang mga misa sa pastoral center at sa sports complex tuwing Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here