Home NATIONWIDE Mister binaril sa harap ni misis

Mister binaril sa harap ni misis

1
0

CABATAUAN, Isabela – Sinalubong na ni kamatayan ang usang mister matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang misis sa kanilang puwesto sa Calaocan, Cabatuan, Isabela nitong Sabado ng gabi, Agosto, 15, 2026.

Kinilala ang biktima sa alyas na Juniel, 40-anyos, meat vendor na residente sa nataurang bayan habang hinihinalang riding in tandem naman ang dalawang (2) suspek.

Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang imbestigasyon sa pamunuan ni PMaj. Oneil Jay Dumayas, Hepe ng Cabatuan Municipal Police Station matapos makatakas ang riding tamdem criminal.

Una rito, tumawag ang kanilang Punong-Barangay para ipaalam ang nangyaring krimen sa lugar at doon nadatnan ng mga kapulisan na nakahandusay na abg biktima.

Isang motorsiklo umano ang huminto sa puwesto ng mga biktima lulan ng dalawang (2) lalaki na nakasuot ng helmet na lumapit pa at nagtanong sa halaga ng pang-isang kilong karne sa biktima.

Pagkaraay bigla na lamang umanong bumunot ng armas ang gunman at pinagbabaril ang biktima sa harap ng kaniyang may bahay na tinamaan sa tiyan at ulo.

Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang kapulisan kung ano ang motibo sa pamamaril sa biktima. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here