Home NATIONWIDE Chinese national tiklo sa granada, baril at tobats sa Makati

Chinese national tiklo sa granada, baril at tobats sa Makati

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Makati City police ang isang 38-anyos na Chinese national matapos madiskubre ang isang hand grenade sa kanyang inuupahang kuwarto, na kalaunan ay humantong sa pagkakarekober ng isang hindi lisensiyadong baril, ilegal na droga at patalim sa Makati City Sabado ng hapon, Agosto 15.

Kinilala ng Makati City police ang nadakip na suspek na si alyas Lin, 38, Chinese national at residente ng ParaƱaque City.

Base sa isinagawang imbestigasyon, bandang alas-4:55 ng hapon ng makatanggap ng tawag ang Palanan Police Sub-Station 2 mula sa building management ng Artemis Place sa Filmore Street, Barangay Palanan, tungkol sa pagkakadiskubre ng isang unexploded green Mk2 hand fragmentation grenade sa loob ng Unit 403, na nirentahan ng suspek at ng kanyang live-in partner.

Agad na nirespondehan ang Sub-Station 2 ang naturang report kung saan inisinara at siniguro ng mga mga ito ang lugar habang matagumpay na isinagawa ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) team ang Rendered Safe Procedure upang gawing ligtas ang granada.

Sa paghahalughog sa mga naiwan at walang bantay na gamit sa kuwarto, nakarekober din ang mga awtoridad ng isang heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang light brown na hinihinalang ecstasy tablet, at mga identification photo ng suspek.

Nang malaman ng building general manager na umupa rin ang suspek sa Unit 306, agad na nagtungo roon ang mga operatiba kung saan naabutan nila ang suspek sa loob kasama ang isang 25-anyos na babae.

Sa isinagawang paghahalughog sa presensya ng building management at mga lokal na opisyal, narekober mula sa suspek ang isang Springfield caliber .45 pistol na may serial number XD650980, isang Swiss knife, isang purple self-sealing plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at isang glass tube pipe na may hinihinalang residue ng marijuana.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Illegal Possession of Explosives, Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Batas Pambansa Blg. 6 o Illegal Possession of Deadly Weapons ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Makati City police. James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here