Home METRO Mister na hindi binigyan ng pambili ng alak, nagbigti

Mister na hindi binigyan ng pambili ng alak, nagbigti

69
0

QUIRINO, Philippines – Isang mister ang nagbigti sa puno matapos hindi binigyan ng kanyang live in partner ng pambili ng alak sa Brgy. Sangbay, Nagtipunan, Quirino.

Kinilala ang biktima na si alyas “Nando”, 27 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Nagtipunan Police Station, bandang alas-2:00 ng hapon nang humingi umano ng pera ang biktima sa kanyang live-in partner upang pambili ng alak subalit hindi binigyan.

Nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa pananakit ng biktima sa kanyang kinakasama ngunit  kalaunan ay naawat naman ito ng kanilang tiyuhin.

Pagsapit ng alas-4:00 ng hapon, natagpuan ng kanyang pinsan ang biktima na nakabigti sa sanga ng isang barsik tree malapit sa ilog gamit ang kulay brown na nylon rope na nakapulupot sa kanyang leeg.

Tinatayang isang kilometro ang layo ng lugar mula sa kanilang bahay.

Samantala, kumbinsido umano ang live-in partner, mga magulang at iba pang kaanak ng biktima na walang naganap na foul play sa insidente. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here