GAMU, Isabela – Arestado ang isang mister na tinaguriang Street Level Individiual o SLI sa ikinasang anti-drug operation ng pulisya sa Purok 4 Brgy. Upi, Gamu, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Louie Jay Felipe, hepe ng Gamu Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang naaresto ay si alyas “Ronel” na isang Street Level Individual sa ikinasang drug buy-bust operation sa naturang lugar.
Nahuli ang nasabing suspek mula sa mga pinagsanib na pwersa ng Gamu Police Station, IPPO at sa pakikipag koordinasyon sa PDEA RO2 para sa pagsasagawa ng buy-bust operation na naging sanhi ng pagkakakumpiska mula sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isang (1) piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu(buy-bust item); isang (1) piraso ng genuine PHP1,000.00 Peso Bill( buy-bust money); dalawang (2) piraso ng genuine PHP500.00 Peso Bill (boodle money); isang (1) piraso ng ITEL Keypad Cellphone; Dalawang (2) piraso ng PHP10.00 Peso Coins at dalawang (2) piraso ng Php1.00 Coin.
Ayon kay PCol. Bauding ay walang puwang sa mga alagad ng batas ang mga nasasangkot sa illegal drugs at iba pang krimen sa lalawigan ng Isabela.
Nahaharap sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Rey Velasco