Home NATIONWIDE Sulu hindi bahagi ng BARMM – SC

Sulu hindi bahagi ng BARMM – SC

MANILA, Philippines – Idineklara ng Supreme Court na hindi bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang lalawigan ng Sulu.

Sa nagkakaisang desisyon ng SC, pinagtibay nito ang ligalidad ng Republic Act No. 11054 o Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (Bangsamoro Organic Law) ngunit sinabing hindi sakop ng BARMM ang Sulu matapos tutulan ng naturang lalawigan ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

“In a unanimous Decision, the Supreme Court partially granted the petition challenging Sulu’s inclusion in BARMM but denied challenges to other aspects of the Bangsamoro Organic Law. The Decision is immediately
executable.”

Ang Bangsamoro Organic Law na ipinatupad noong Hulyo 27, 2018 ang nagbigay daan para sa pagkatatag ng BARMM bilang political entity at basic governmental structure.

Ang pagkatatag ng BARMM at kung ano ang magiging territorial jurisdiction nito ay maipatutupad matapos maratipika ang batas ng mayorya ng votes cast sa isang plebesito.

Mayorya ng ARMM ang nagratipika sa batas maliban ang Sulu. Sa kabila niyo, isinama pa rin ang naturang probinsya sa BARMM kung kaya kinuwestyon ito sa SC.

Sinabi ng Korte na constitutional ang
Bangsamoro Organic Law dahil hindi naman nangangahulugan na hiwalay na estado ng Pilipinas ang mga nasa BARMM at ang autonomiya ng BARMM ay limitado lamang sa panloob na pamamahala.

“The Law did not give it the power to enter into relations with other states, nor did it grant the BARMM its sovereignty. Matters of national defense and security, citizenship, foreign policy, and foreign trade remain with the national government.” TERESA TAVARES