Home METRO 3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan

3 most wanted persons, nadakma sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa rehas ang tatlong lalaki na kabilang sa talaan ng mga most wanted persons ng Caloocan City matapos masakote ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa naturang lungsod.

Sa ulat, alas-7:10 ng gabi nang makorner ng pinagsamang mga tauhan ng Intelligence Section at IDMS-Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police sa pangunguna nina P/Capt. Julius Villafuerte at P/Major Jansen Ohrelle, kasama ang NDIT-RIU NCR sa Samson Road, Brgy. 80, ang akusadong si alyas Berto na nasa Top 1 Most Wanted Person ng lungsod.

Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Manuel I.R.A. V. Barrios ng RTC Branch 126, Caloocan City, noong June 18, 2024, para sa kasong Murder.

Nauna rito, natimbog naman ng pinagsamang mga tauhan ng WSS at Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni P/Major Valmark Funelas sa Blk 2, Pamasawata Brgy., 28, dakong alas-11:20 ng gabi ang 53-anyos na akusadong nasa Top 8 MWP ng lungsod.

Ayon kay Major Funelas, ang akusado ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman-Alvarez ng RTC Branch 131 Caloocan City noong August 27, 2024, para sa paglabag sa LASCIVIOUS CONDUCT UNDER SEC. 5(B) OF RA 7610.

Habang alas-3:30 ng hapon nang nasukol naman ng pinagsanib na mga tauhan ng IDMS-WSS, Intelligence Section at CIDG-NDFU sa Woodcraft St., Bayanihan Naesa, Brgy., 159, ang 59-anyos na akusado na nasa Top 10 MWP ng lungsod.

Ang akusado ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 131, Caloocan City na petsang August 5, 2024, para sa paglabag sa Acts of Lasciviousness Under Art. 366 of the RPC in Relation to Sec. 5(B) of RA 7610. Merly Duero