Home METRO Mister, nagbigti nang hiwalayan ni misis

Mister, nagbigti nang hiwalayan ni misis

SAN GUILLERMO, Isabela – Pinaglalamayan na ng kanyang pamilya’t kamag-anak sa ngayon ang isang mister matapos magbigti nang hiwalayan ng kanyang misis sa Brgy. Victoria, San Mateo, Isabela.

Pansamantala itinago sa pangalan Cris ang biktima, 33-anyos, delivery boy at residente sa nabanggit na lugar.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Linggo, Enero 5, 2025 nang madiskubre ng kapatid na lalaki ang nakabigting katawan ng biktima.

Gumamit ng lubid ang biktima na ipinulupot sa leeg at saka ibinitin ang sarili sa bubong ng kanilang kusina.

Tinangka pang dalhin sa hospital ang biktima pero nang mapansin na wala na itong pulso ay hindi na rin itinuloy ang pagdala sa pagamutan.

Posibleng na-depress ang biktima matapos hiwalayan ng kanyang asawa na dahilan ng kanyang pagbibigti para tuluyan kitlin ang kanyang buhay. REY VELASCO