Sinimulan ng mga senatorial candidates ng PDP-Laban, na suportado ni dating Pangulong Duterte, ang kanilang miting de avance sa Liwasang Bonifacio sa Maynila, apat na araw bago ang halalang 2025.
Kasama sa 10 kandidato na inendorso ni Digong ang PDP-Laban senatorial bets na sina reelectionist senators Christopher “Bong” Go at Ronald “Bato” Dela Rosa, Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta, televangelist Apollo Quiboloy, lawyers Jimmy Bondoc, Jayvee Hinlo, Raul Lambino, Vic Rodriguez, Dr. Richard Mata at actor Philip Salvador.
Ipinanawagan nila ang mga kandidato para sa pagbabalik ni Duterte, kahit na siya ay kasalukuyang nahaharap sa paglilitis sa International Criminal Court.
Nauna namang ipinahayag ni VP Sara Duterte ang mga pangambang may kasamang pamimili ng boto at pandaraya, ngunit tiwala siyang may malawak na suporta ang “Duter10” senatorial bets. RNT