Home HOME BANNER STORY Suspek sa pagpatay sa beteranong journalist, kinilala ng PNP

Suspek sa pagpatay sa beteranong journalist, kinilala ng PNP

MANILA, Philippines – Kinilala na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay kay Johnny Dayang, 89, noong Abril 29 sa Kalibo, Aklan.

Sa isang press conference, kinilala ni Maj. Frensy Andrade, hepe ng Kalibo Municipal Police Station, ang suspek, si Kim Wency Antonio mula Negros Occidental.

Ani Andrade na nagrenta ang suspek ng hotel at motorsiklo sa Kalibo bago ang pagpatay.

Na-trace ng pulisya ang kanyang galaw sa pamamagitan ng backtracking sa mga CCTV, at natuklasan na may kasong droga siya noong 2021 sa Pasig City.

Ayon kay Brig. Gen. Jack Wanky ng Police Regional Office 6, nagsagawa ng surveillance si Antonio sa Kalibo mula Abril 3 at gumamit ng ibang motorsiklo sa pamamaril.

Umalis siya ng Western Visayas noong Mayo 2, at nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Metro Manila upang hanapin siya.

Si Dayang, isang dating OIC-mayor at mamamahayag, ay pinagbabaril habang nanonood ng telebisyon sa kanyang tahanan. Santi Celario